BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sunday, April 24, 2011

Pride, Saying Sorry, and being Understanding :)

May mga taong sobrang taas ng pride, na kahit sila naman talaga ang may kasalanan, hindi sila mag-sosorry. May ibang tao naman na mababa ang pride, na mag-sosorry sila kahit hindi naman sila ang may kasalanan, mag-sosorry sila para lang walang gulo. Mas mabuting mababa ang pride kesa sa mataas ang pride. Yung mga taong mataas ang pride, minsan hindi nila matanggap na sila ang may pagkakamali, kaya kung may kaibigan kang mataas ang pride, intindihin mo na lang siya :) ang problema lang kung may dalawang taong magkaibigan at nag-away sila at pareho pa silang mataas ang pride. Mas titiisin pa nilang magka-away sila kesa isa sa kanila ay mag-sorry. Pero in some cases, yung isa sakanila, kahit mataas ang pride, lulunukin na lang ang pride niya kasi hindi niya matiis na magka-away sila. When parents and their children fight, who's the one who says sorry first? Some parents wouldn't say sorry because they think everything that they do and say is right, eh ganun naman din tayong mga anak eh, minsan akala natin lahat ng mga ginagawa natin tama. Pero pag nag-away ang magulang at anak, minsan nagtitiisan pa yan na hindi magpansinan. Pero after a while, magiging okay din yan, kasi iisipin na lang nila na parang walang nangyari. Pero dapat kung magka-away ang isang magulang at ang kanyang anak, dapat yung anak yung mag-sorry, well actually, depende kung anong nangyari. Pero dapat intindihin na lang ng anak ang kanilang mga magulang. Lalo na kapag meyo may edad na sina mommy and daddy. Aaminin ko, meydo may pagka masamang damo ako, minsan utosan lang ako umiinit ulo ko. Kanina nung papunta kami ni mommy sa simbahan, edi syempre nag-aayos ako, sabi mommy "kunin mo nga tong bag ko, hindi ako makapag-drive ng maayos eh" meydo tumaas yung tono ng boses ko at sabi ko "wait lang" tapos sinabihan ako ng mommy na dapat hindi daw ako ganun at marami pa siyang sinabi. Nung homily, ang daming pumapasok sa utak. Dapat nga talaga baguhin ko na ang pag-uugali, na dapat intindihin ko na lang yung mga magulang. Nung bigayan na ng Peace, kiniss ko si mommy si pisngi at sinabi ko na "sorry,meh". Bigla na nga lang lumabas yun sa bibig ko eh, pero pagkatapos nun gumaan ang pakiramdam ko. Ang punto ko lang naman ay dapat intindihin na lang natin ang mga magulan natin, at kung paulit-ulit na ang sinasabi nila pasok dito at labas dito na lang :)) pero dapat isinasa-isip natin yung mga sinasabi nila satin. At dapat binibigyan natin ng halaga ang mga oras na nakakasama natin sila. Dapat hindi tayong mahiya na mag "i love you" sakanila ng personal hindi lang sa text, nakaka-ilang nga pero sigurado ako na matutuwa sila na marinig yun galing satin :) at kapag may nagawa tayong mali, o naka-misunderstanding man, lunukin na lang natin ang pride natin at tayo na ang mag-sorry :) ang mga magulang talaga, hindi maaalis sakanila ang pakealaman ang gamit natin o minsan maki-alam sa buhay natin, kaya sila nakikialam dahil may pagmamalasakit lang naman sila saatin at naninigurado lang sila na okay tayo, intindihin na lang natin sila :) hindi pa naman huli para magbago yung pagtrato natin sa mga magulang natin eh :) alagaan natin sila :> we should spend time with them while we still can, because when we get older, we'll have our own families and we couldn't spend time with our parents anymore. 

ang dami kong alam :))) pero seryoso lahat ng mga sinabi ko :) parang magulo nga yung mga sinabi ko eh :))  pero sana makuha niyo yung gusto kong iparating, kung sino man ang makabasa nito :)) :D

0 comments: